EDUKASYON AT PAGKATUTO
ni Roma Amor M. Marzo
Edukasyon ang kinikilal susi tungo sa tagumpay ng mga Pilipino at malaking parte nito ay ang responsibilidad na ginagampanan ng mga guro at mga magulang sapagkat ang paaralan at ang tahanan ay mga pangunahing lugar kung saan nahuhubog ang bawat pagkatao.
Ano nga ba ang edukasyon? Marahil, marami sa mga mag-aaral o kabataan ngayon na ang pananaw ukol sa edukasyon ay dapat pagdaanan ang mga baitang sa pag-aaral mula elementarya, sekondarya at sa kolehiyo hanggang sa sila ay makapagtapos ng pag-aaral. Subalit ito ay hindi lamang dito natatapos. Karagdagan pa, ilan sa mga konsepto o teyorya ng napag-aralan noon ay hindi na nagagamit ngayon kaya’t mahalaga pa rin na ang isang mag-aaral na laging handang matuto kahit pa sabihin nakapagtapos na sila sa kolehiyo o mas mataas pang antas. Mahalaga sa buhay ang matuto sa mga bagay-bagay at mas magkaroon pa ng kamalayan sa buhay.
Batid ba ng mga mag-aaral ngayon na mahalagaang edukasyon?
Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging angkinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mgapagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tanginilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag- aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw angpamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman
Kalakip ng edukasyon ang pagkatuto. Ang edukasyon ay ang pagsisikap na makamtan ang kaalaman at karunungan sa buhay. Hindi lamang ukol sa mga teorya na itinuturo sa paaralan kundi maging sa kung paano tayo dapat mamuhay nang naaayon, “Never stop learning,” ika nga. Maraming mga bagay na hindi matututuhan kung hindi pag-aaralan at hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroong magtuturo sa atin ng mga bagay-bagay.
Kaya nga, may paaralan man o wala, nawa’y bawat mag-aaral ay may pagkukusa na alamin o masumpungan ang karunungan at kaalaman sapagkat ito ay itinuturing nating yaman. Ito ay maaari nilang mahubog sa patnubay at gabay na rin ng mga guro, mga magulang at maging ang mga nakatatandang kapatid sa tahanan.