Tiis

Ni Mariel Regina Karla D. Corpuz

“Ang magkapatid na magandang magsunuran ay daig pa ang taong mayaman”.
Hindi man madaling magpatawad ngunit sa bawat takbo ng oras ay kakailanganin mo ito dahil parang nawalan ka narin ng tinik sa puso na matagal nang nakabara.Pagtitiis at galit na lang ang pumapaloob sa bawat takbo ng oras nilang magkakapatid, ngunit ano nga ang kanilang naging awayan?
Nakaburol pa noon ang kanilang ama, malungkot at umiiyak, ilang sandal pa ay dumating na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Pagkatapos ay nilapitan niya sina Grethen Barreto at Marjorie Barreto upang pagbatiin ngunit hindi pa ito naayos at lalong pang nagkaroon ng awayan.
Dumating ang mga interviewers sa mga balita tulad na lang sa TV Patrol. Dito nagkaroon ulit sila ng bangayan gamit ang kanilang mga pahayag.
Pero bakit hindi pa matigil ang mga bangayan nilang magkakapatid, puro tiis na nga lang ba ng susubok sa bawat oras nila?
Hindi man nila mapatawad ang isa’t isa pero sa puso nila pinipilit na nilang magbati dahil sila ay magkakapatid at iisa lang ang turingan.
Pagtitiis, galit at poot hindi yan mananatili sa ating mga puso patuloy nang masisira ito kung ito ay matitiis.
Kung ang Diyos ay marunong magpatawad sila pa kaya? Kaya hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang kanilang mga kamag-anak upang magkabati pa silang muli.